Planong pag-tanggal ng magagalang na salita sa wikang Filipino
Huwebes, Oktubre 1, 2015
BENIPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Ang kagandahan ng pag-gamit ng magagalang na salita ay napupuri tayo ng ibang tao, ganun din ang ibang lahi. Dahil ang pag-galang ay nakatataas ng uri ng pagkatao. Ang kultura na pagsasabi ng po at opo ay maipapamana natin sa bagong henerasyon kung maipamumulat natin ito ng mahusay sakanila. Magagawa lamang natin ito kung tayo ay magtutulong tulong, simulan natin ito sa ating tahanan hanggang sa paaralan at maging sa lipunang ating ginagalawan.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
Ang mithiin natin sa pag gamit ng magagalang na salita tulad ng po at opo, ate at kuya ay naibabalik natin ang ating nakagisnang kultura. Ang po at opo, ang pag-mamano sa nakatatanda sa atin, at ang pag-aantanda pag napapatapat sa simbahan ang mga ito ang kultura na hindi dapat mawala sa bawat Pilipino.
Ang layunin ng aming grupo ay maipabatid sa mga bagong henerasyon ang kahalagahan ng kulturang Pilipino. Nais naming ipaunawa sa lahat na ang pag-gamit ng po at opo ay sumasalamin sa ating pagkatao dahil pag ikaw ay magalang ibig sabihin isa kang mabuting tao at igagalang ka rin ng iyong kapwa. Dahil kahit may pinag-aralan ang isang tao kung ang kanyang pananalita ay hindi magalang, nawawala ang kanyang pinag-aralan.
Bilang Pilipino, likas na sa atin ang pagiging magalang sa ibang tao, lalung-lalo na sa aspeto ng pakikipagtalastasan; dahil dito ay pinupuri at kinahahangaan tayo ng ibang lahi. Pero maliban sa kapurihan na matatanggap sa iba ay may mas malalim pa itong kapakinabangan sa atin, ito ay dahil ang pagpapakita ng paggalang ay nakakataas ng uri ng pagkatao. Kahit ang simpleng paggamit ng magagalang na salita ay isang hudyat ng paggalang sa ating kausap. Sa ating kultura, isa itong kayamanan at tradisyon na ipinapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak at apo; ang pagtuturo nito ay nagbabago kada henerasyon ngunit ang mismong mensahe na ipinaparating nito ay hindi pa din nagbabago. Kaya ito ang nais naming ipabatid sa susunod na henerasyon. Ipapamulat naming sa kanila ang kariktan ng ganitong mga salita sa pamamagitan ng isang maikling dula. Ang dulang ito ay hahatiin sa dalawang parte. Ang una ay ang normal na eksena na kung saan ay itatampok namin ang mga magagalang na salitang karaniwang ginagamit sa pangaraw-araw na paguusap. Ang pangalawa naman ay katulad ng unang eksena ngunit ay tatanggalin namin ang mga magagalang na salitang ginamit sa unang eksena. Inaasahan naming madama nila ang kahalagahan ng mga magagalang na salita kahit sa pangkaraniwang paguusap lamang. Ang mga simpleng pagtatanghal na ito ay nakakamulat ng kamalayan at kaisipan ng mga taga-subaybay nito sa tunay na kabuluhan ng paggamit ng magagalang na salita.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
"Pamanang Binaon sa Limot"
Pamanang maituturing ang mga magagalang na salita gaya ng “po” at “opo”. Ngunit sa paglipas ng panahon, madami ng mga tao ang nakakalimot sa mga salitang ito. Minsan hindi na natin alam na ang salitang ating ginagamit ay nakakawala na ng respeto. Ang mga salitang ito ay bahagi na ng ating kultura na dapat hindi natin basta basta kinakalimutan o ibinabaon na lang sa limot. Ipinapahayag lamang ng mungkahing titulo na ito kung hahayaan ba nating matabunan na lang ang pamanang salitang pinagyaman ng ating mga ninuno o pananatilihin natin itong buhay hindi lang sa isip maging sa salita.
PANIMULA/KALIGIRAN
Ang pagtatanggal ng magagalang na salita ay hindi maaaring alisim sapagkat, nakalakihan na nating mga Pilipino ang pag-gamit ng po, opo, at iba. Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat alisin ang magagalang na salita dahil tayong mga Pilipino lamang bansa na gumagamit ng magagalang na salita habang nakikipag-usap sa nakatataas o nakatatanda sa atin. Ang mga magagalang na salita din ng nagpapayaman sa ating mga Pilipino, sa aspeto ng pagiging marespeto. Ang pag-gamit ng magagalang na salita ay nagpapakita ng pag-galang sa mga nakatatanda sa atin o di kaya'y nagpapakita ng pag-respeto at pag-papakumbaba sa nakatataas sa atin. Ang malaking problema nating mga Pilipino ay masyado tayong nahihilig sa sa salitang banyaga kung kaya't nawawala na ang nakagisnan nating kultura na pagsabi ng magagalang na salita.
Ngayon sa makabagong panahon sa wikang Filipino, pinag-dedebatihan na ng mga nakatataas ang pagtanggal ng magagalang na salita sa wikang Filipino. Ang nag-iisang tanong ayon sa mga researchers ay "Sang ayon ka ba sa ipatutupad ng mga nakatataas?" Naririto ang mga researches upang maglahad ng kanilang saloobin ukol sa naturang pahayag na ito.
Isa sa mga dahilan kung bakit nawawala na ang ating nakagisnang po at opo ay dahil sa impluwensya ng mga dayuhan. Dahil ang wika nila ay hindi gumagamit ng magagalang na salita na tulad natin mga Pilipino.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)