Higit pa

Huwebes, Oktubre 1, 2015


PANIMULA/KALIGIRAN


Ang pagtatanggal ng magagalang na salita ay hindi maaaring alisim sapagkat, nakalakihan na nating mga Pilipino ang pag-gamit ng po, opo, at iba. Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat alisin ang magagalang na salita dahil tayong mga Pilipino lamang bansa na gumagamit ng magagalang na salita habang nakikipag-usap sa nakatataas o nakatatanda sa atin. Ang mga magagalang na salita din ng nagpapayaman sa ating mga Pilipino, sa aspeto ng pagiging marespeto. Ang pag-gamit ng magagalang na salita ay nagpapakita ng pag-galang sa mga nakatatanda sa atin o di kaya'y nagpapakita ng pag-respeto at pag-papakumbaba sa nakatataas sa atin. Ang malaking problema nating mga Pilipino ay masyado tayong nahihilig sa sa salitang banyaga kung kaya't nawawala na ang nakagisnan nating kultura na pagsabi ng magagalang na salita.

Ngayon sa makabagong panahon sa wikang Filipino, pinag-dedebatihan na ng mga nakatataas ang pagtanggal ng magagalang na salita sa wikang Filipino. Ang nag-iisang tanong ayon sa mga researchers ay "Sang ayon ka ba sa ipatutupad ng mga nakatataas?" Naririto ang mga researches upang maglahad ng kanilang saloobin ukol sa naturang pahayag na ito. 

Isa sa mga dahilan kung bakit nawawala na ang ating nakagisnang po at opo ay dahil sa impluwensya ng mga dayuhan. Dahil ang wika nila ay hindi gumagamit ng magagalang na salita na tulad natin mga Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento