Higit pa

Huwebes, Oktubre 1, 2015


MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN


"Pamanang Binaon sa Limot"

 Pamanang maituturing ang mga magagalang na salita gaya ng “po” at “opo”. Ngunit sa paglipas ng panahon, madami ng mga tao ang nakakalimot sa mga salitang ito. Minsan hindi na natin  alam na ang salitang ating ginagamit ay nakakawala na ng respeto. Ang mga salitang ito ay bahagi na ng ating kultura na dapat hindi natin basta basta kinakalimutan o ibinabaon na lang sa limot. Ipinapahayag lamang ng mungkahing titulo na ito kung hahayaan ba nating matabunan na lang ang pamanang salitang pinagyaman ng ating mga ninuno o pananatilihin natin itong buhay hindi lang sa isip maging sa salita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento